♠♥ ♣ . . . Tumambay ako after ng practise ng SKSK with Lole and Bong, wala lang napag-usapan lang namin yung naging swimming nina Jan at Laarni pero sinabi ko kay Lole na i dont care saka kung pwedi lang ayuko nang makakarinig ng anything about Laarni, babae ng AHO and specially ng tungkol kay Jan . . . pero sira ulo talaga tong' si Bong dumaan kasi sina Sandra sa GDR bigla ba naman akong inakbayan gusto yatang pagselosin na naman si Sandra ayun buti nga sa kanya nasigawan ni Kuya Exor he he he. . . pero you know want nababagot ako kasi sa friday pa kami magkikita ni Mark hindi naman kasi sya pweding pumunta sa bahay araw-araw kasi mabibisto kami, saka ngayong bakasyon daw baka araw-araw silang may practise ng soccer dahil may compitition silang sasalihan sa MAY kaya ayun naghuhusto nalang kami sa tawagan sa phone pero okei lang 2 months lang naman kaming ganito eh saka tuwing Sunday naman magkikita kami dahiL sabay kaming magsisimba . . .
♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣
>>>>>> Yung plano na night swimming hindi natuloy dahil tumutol si Tita Dorothy dahil kakagradutuation lang daw at baka daw magkaroon ng accident kaya yung birthday ni Mark at yung planong mag night swimming para sa graduating nauwi sa unang plano na pagsabayin na this Saturday kyna Mercy na nga lang gaganapin yung party dahil doon my swimming pool . . saka okei naman daw sa ninong ni Mark kaya saturday matutuloy ang night swimming . . . buti nalang maaga akong nagpaalam kay mommy kaya tutol man ang mga dragon wala na silang nagawa he he he he . .
>>>>>APRIL 7, . . . .Nagpasama ako kay Shiera na bumili ng gift for Mark sa Ever ngayon yung B-day nya but bukas gaganapin . . kaninang 12am tumawag ako sa kanila to greet him tuwang tuwa si gago kasi ako daw yung unang bumati sa kanya, kahit na pabulong-bulong ako sa pagsasalita dahil baka magising sina lolo at lola masaya naman kami siguro isang oras din kami nag-usap kung di pa nga ako naghikab ayaw pang ibaba yung phone . . . sasamahan daw nya ang mama nya sa pamimili ng handa kaya mamayang gabi nalang daw ulit kami mag-uusap dahil bukas ahhhhh magkasama naman kami magdamag kaya sulit yung dalawang linggo naming di pagsasama he he he he . . .
♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣ . . . . 6pm ang call time pero 4pm nasa house na ko nina mark, tumulong ako ng konti kasi kung gabi na ko aalis sa bahay malamang di ako paalisin . . na meet ko rin yung ibang auntie ni mark na tumutulong din sa pagluluto kay tita Dorothy, sina mark naman at yung ibang kolukoy abala sa pag-aayos sa pool, ang aga nga daw tumawag ni Mercy kanina, ingit na ingit daw ang loka pero mamaya daw tatawag ulit kapag kumpleto na ang tropa . . . . mga bandang quater to six lumipat na kami nina Tita dorothy sa kabilang bahay para maumpisahan na yung pagba-barbeque . . . mga sira ulo nga sina Andoy at Jaypee mga nagsibasaan na sa pool kahit may ginagawa pa mas masarap daw gumawa ng basa . . . Lumapit sakin si Mark na hayaan ko na daw yung pagtutusok ng karne sa mag tita nya, magpalit na daw kami ng damit dahil mamaya may mga bisita na daw, ganun rin ang sinabi ng mga tita nya at ng mama nya kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod . . . sa room na ni Mark ko binigay ko yung kwentas na binili ko sa kanya sa silverstone na may MC na pendat tuwang-tuwa naman si gago para namang kakamura lang nun at ang babang classe ng silver, hindi naman daw yun ang mahalaga kundi yung nagbigay. . . ayyy naku dumali nanaman ng kakornihan si Mark Christoffer Salviron. . . . at bago pa kami malunod sa katarantaduhan ng boyfriend ko niyaya ko na si Mark na bumalik sa kabilang bahay dahil kung hindi yung simpleng halik ni gago kung saan na naman kami dadalhin . . . . .. . . .
>>>>>> Naging masaya naman yung party, it was cool dahil kahit nasa pool ang mga mukong nakuha paring magsayawan, madami rin sa mga relatives ni mark ang nakilala ko pera nung isang taon dahil diba nga lasing ako nun dahil nagseselos ako kay Haidie, saka hindi kami nun ni Mark kaya parang ordinaryong araw lang pero ngayon ang sarap ng feeling gago nga ngayon dinala ba naman ako sa malalim sabi ko di ko na abot yung tiles ayaw parin huminto sa kakalakad basta kumapit ako sa likod nya, marunong akong lumangoy pero may pobia ako sa malalim dahil may ashma nga ako madali akong mawalan ng hangin sa baga kaya bago pa ko makabalik sa mababaw na tubig mula sa malalim kinakabahan na ko. . . pero ng mapunta kami sa malalim hinawakan ni Mark yung kamay ko at inalis sa leeg nya takot na takot nga ako kanina kalako kung anong iniisip ni gago ayun pala haharap lang sya sakin at ibinalik yung kamay ko sa leeg nya habang inaalalayan ako sa bewang. . . I embrace him dahil natatakot ako na baka bitawan ako ni gago . . para bang kami lang tao sa pool pero kung lilingon ka hindi lang kami he he he iba-iba ng lang ang style. . . I feel safe habang magkayakap kami ni Mark kahit na hindi ko maramdaman yung paa ko na nakaapak sa tiles, daig ko pa ang nakalutang habang nasa ganun kaming ayos ni Mark, he whisper " I love you " to my ears and I said I love him too, ewan ko ba kung bakit sa lahat ng nanging boyfriend ko kay Mark lang ako komportableng magsalita ng "i love you's at I love you too" dahil kay Jan even kay Ricky I never say the word I love you in verbal kungdi sa sulat lang. . . . then Mark start game dahil hinihipan na yung tenga ko eh alam naman nyang may kiliti ako doon, at kapag hinahampas ko sya lumalayo si gago kaya na feel kung lumulubog ako sa tubig at syempre sa takot ko kumakapit ulit ako sa kanya at napapayakap, tatawa naman si gago, ilang beses ginawa ni mark iyun hanggang nung huli hindi ko sya nahabol dumaplis yung kamay ko sa braso nya at hindi ako nakakapit kaya ayun nakainum ako ng tubig saka lang ako nilapitan ni gago at mukhang nakot kaya panay-panay ang sorry, pero pinaghahampas ko si gago dahil natakot din ako, ayun tuloy nasigawan ni tita dorothy dahil nakita yata yung nangyari, umahon muna kami dahil natakot si Mark, kumuha ng tubig at pinainum ako, at kitang-kita ko sa mukha ni gago yung guilt sa ginawa nya, pero syempre sinabi ko na okei lang ako nagpanick lang ako dahil talagang may pobia ako sa malalim. . . i kiss him para ma-assured ko sa kanyang okei lang talaga ko. . saka lang tumawa si gago, kaya nagyaya munang kumain bago daw nya ko lunurin ulit, hinampas ko nga . . . binigyan nya ko ng towel para di lamigin at sabay-sabay na kaming kumain ng tropa . . syempre salo kami at nagsusubuan . . ganun din yung mga magjo-jowa sabi nga ni Lyca bakit si Ian daw ayaw syang subuan, muntik na tuloy ,mabilaukan si Ian . . . . kaya ayun napuno ng tawanan at tuksuhan ang buong pool dahil yung matatanda nasa loob at nagmamadjong kaya walang bantay he he he he. . yung mga cousin daw kasi ni Mark hindi makakpunta yung iba naman mga bata pa kaya ayun nasa room ni Mark nagP-PS ayaw payagang magswimming dahil gabi na! . . . ahhhhhh sana ganito nalang lagi kami kasaya. . . .
>>>>>> madaming pool games na hinanda si tita Dorothy at yung mga amigang ninang ni Mark pero hindi pumayag si mark na sumali ako kapag alam nyang hindi mapupunta sa malim yung games, kaya laging nakaalalay sa likod ko si gago, kaya ayun lagi kaming talo . . . . . kaya ayun sa maawat taya at sa volleyball lang ako nakasali pati kasi si tita dorothy tumutol rin dahil baka daw hikain ako . . . nasa gitna na ng kasiyahan ng dumating yung mga soccer team ni Mark, at sa di ko inaasahan kasama pa si Gretchen ng grupong yun, Mark introduced me to Natanniel, Jonathan, Rowel at Dindong at syempre again kay Gretchen at sa isa pang babaeng Lanie ang pangalan, pero kung ako nagawa kong makipagplastikan ng ngiti yung Lanie mukhang mataray dahil tipid na nga ngumiti eh nakataas pa ang kilay kaya tinaasan ko nga sya ng kilay, then pinakilala naman sila ni Mark sa tropa kaya nag-excuse ako at tumulong sa paghahanda ng pagkain para sa mga bagong dating, after that sinabi ko kay Mark na pakainin na yung mga "bwisita nya" pero syempre sabi ko bisita he he he ewan ko ba naiinis talaga ako at kumukulo ang dugo ko sa babaeng yun nadadagan pa dahil feeling ko kahit ngayon lang kami nagkita nung Lanie eh kilalang kilala na ko dahil kay Gretchen . .. . mukhang nahalata ni Cath yung pagiba ng timpl ko kaya nilapitan ako sa gilid ng pool kung saan umupo ako matapos kong tawagin sina Mark, pinapanood ko kasing turuan ni Andoy si Diane na mag floating . . . Cath asking if I am okei and I said" do I look like okei? " pero sinamahan ko yun ng ngiti, then bigla nalang may nagsalita sa likod ko ang sabi " bakit naghahanap ba ng away yung mga bagong dating" bigla tuloy akong natawa sa sinabi ni Lyca, kaya sinabi ko kay Lyca na cool lang, mukhang lasing na yata si gaga . . pero sinabi ni Lyca na hindi daw nya gusto yung aura ng Lanie na yun dahil ang tabas daw ng kilay daig pa daw si Gladys Reyes ng Mara Clara . . mas lalo tuloy kaming natawa ni Cath, at kesa mabadtrip lang ako nagkisama nalang ako kyna Cath na maglangoy at subukan yung mga tinuturo si Andoy kay Diane at Jeaneth na trick sa pagsuswimming . . . Umahon na kami ng matapos yung soccer team ni Mark na kumain nakisalo narin kasi sa inuman samin pero syempre di ako umuinom, then Mark whisper to me habang hinahapit ako sa bewang, magpalit muna daw ako ng damit o magpatong ng tshirt dahil basang basa na daw yung damit ko at humahapit na sa katawan ko, di ko tuloy maiwasang mapangiti dahil umandar nanaman ang pagkakonserbatibo ni gago . . pero sinabi ko na mag-aaksaya lang ako ng damit mamaya mababasa rin ako, ang gago hinubad ba naman yung suot na t-shirt at isinuot sakin, wala tuloy akong nagawa kungdi ang isuot dahil baka mapahiya pa sya kung aayawan ko, kinurot ko nalang si gago sa tiyan sabay sabi kong " kulit!!!". . . small talk and chitchat sa mga soccer team ni mark, well i feel comportable kahit na konti, doon ngalang sa mga lalake pera sa dalawang bruha, at ang nakakatawa pa laging sinusupla ni Lyca yung Lanie ahhhh ewan ko ba kay Lyca at ang init yata ng dugo sa kampwa nya mataray he he he he he . . . hindi naman nagtagal yung mga ka-team ni Mark dahil mga pagod rin daw sila sa paglalaro ng soccer pero nagpantig ang tainga ko sa sinabi nung Jonathan dahil biniro si Mark . . . kung di nga lang daw sila napilit ni Gretch na pumunta doon eh hindi sila makapunta dahil sa pagod ang lakas daw talaga ni Mark kay Gretch. . . hindi ko alam kung para saan yung sinabi nung lalake'ng iyon but i think i smell something na mukhang hindi ko gusto . . . kaya bago pa ko makapangbastos sinabi ko kay Mark a maiwan nalang ako sa doon kesa sumama sa paghahatid sa team mate nya dahil kasama naman yung mama nya sa paghatid kaya kampante ako . .
>>>>> Nang bumalik si Mark after ihatid yung mga team mate nya i talked to him about Gretch at pinagpilitan lang nya na wala daw talaga yun, kaya sinabi ko sa kanya na siguraduhin lang nya dahil hindi ako mangingiming basagin ang mukha ng babaing yun kapag nalaman kong kinakalantari sya . . . then Mark said na wala talaga .. . i dont know kung praning lang ako o what pero sana nga wala lang basihan yung nararamdaman ko . . . mga 2 or 3 am narin siguro kami nagsipagtulugan syempre sila sa house nina Mercy pero kami ni Mark umuwi sa kanila at sa room nya kami natulog . . . Natulog lang po kami promise . . kung may ginawa man kami hindi kami lumampas sa alam naming hindi dapat namin ginagawa namin na pagsisihan namin kung saka-sakali . . ( bakit defensive ka?) . . .
>>>>>> 9am na yata kami nagising then 12 pm hinatid nya ko sa bahay saka ulit ako natulog . . . I couldnt say kung nag-enjoy ako o hindi sa b-day ni Mark but siguro oo dahil nagkausap kami ng masmatagal dahil magdamag kaming magkasama pero hindi ko parin maalis sa isip ko Gretch ahhhhhh dont be . . . dahil kapag nagkataon ewan ko nalang . . . Sana naman po mali ang nasa isip ko . . .
to be continue . . .
No comments:
Post a Comment