♥+♥ . . . . dahil nga pabajing-banjing na ang classes ngayong week madalas kaming my time ni Mark sa isat-isa pera nalang kung may practise sya ng soccer . . . . maaga narin nya kong inihahatid dahil alam mo na kahit medjo tame na at hindi masyadong mahihigpit sa bahay eh I did to follow the rules na hindi pa ko dapat magkaboyfriend " un ang akala nila" he he he . . .
>>>>>> Nagkakwentuhan kami ni Kuya Exor may swimming din daw sila nina Jan next week sa bahay nga daw nila sa Cainta sila matutulog. . . . well hindi ko alam why kuya Exor need to say that to me pero hindi ko nalang pinansin kasi ayukong sirain yung day ko na maghapon kaming magkasama ni Mark sa mall, we eat at tokyo-tokyo and nag window shopping kami kasi wala naman daw syang bibilin at ayuko namang humawak ng kahit na ano sa mall dahil paniguradong ipagpipilitan lang ni Mark na bilin yun para sakin. . . after widow shopping nag rides kami sa world of fun . . nag roller coaster kami at bamp car, naglaro rin kami ng mga video games pero tanging yung barilan lang na-enjoy ko dahil yun lang ang alam kong laruin he he he . . . . kontento na ko kung anong meron kami ni Mark ngayon at kung sa bahay may nagbago at may hindi, lagi paring napapagalitan kung may mali pero hindi na katulad ng dating halos mula umaga hanggang gabi . . . kaya kung tatanungin mo ko I'm happy and much more happy now kesa nung kami pa ni Jan at least ngayon may time na kong makabonding yung family ko like watching movie sa VHS tapos magpapaluto kami kay JEJE ng pop corn, samantalang nung kami ni Jan takot na takot akong makasama sila dahil alam ko maaring maging topic na naman yung tungkol samin but now topic parin si Jan pero kasama na yung gf nya, kasi nga daw nagtataka sina tita kung bakit nakakakuha daw ng magagandang babae si Jan . .. ahhhh hindi ko kailangan sagutin tumawa nalang ako kahit papano naman kahit patalikod kailangan ko paring igalang ang pinagsamahan namin ni Jan kahit na hindi nya nagawa sakin yun . . . . .
>>>>> Umaga palang tumawag na si Mark para ipaalala sakin na bawal akong uminum, pinipilit nga akong wag na daw akong umattend ng binyagan pero hindi talaga pwedi dahil yung mismong tita ni Jan ang nagpunta sa bahay para imbitahan ako at ipagpaalam sa mga tita ko. . ewan ko ba parang ako ang pinakaspecial na bisita he he he . . . . I assured naman kay Mark na no dinks and no Jan allowed na mangyayari dahil sabi ko nga nandoon sina Kuya Jhun at Kuya Exor sama mo pa si Abet na kahit walang pakialam sakin eh hindi ako makakainum at kung si Jan sinasabi ko sa kanya na napakalaki at napakatibay ng pader na inilagay nina Mom sa pagitan namin . . .
>>>>>> Kayna Myra na ko sumabay papuntang simbahan grabe na to' dahil hatid tanaw ako ng mga tita ko at panigurado mamaya sa reception ganun din ang mangyayari dahil sa compound nila Jan gaganapin yun . . . Dahil kasabay nga ako nina Myra hindi ko akalaing mag-aanak rin pala si Jan kaya nagulat ako dahil nandoon din sya sa simbahan kasama si Ate Len na pinsan nya. . . at sa mamasamain hindi umattend sa simbahan yung dalawang kuya ko kaya napilitan akong kay ate len sumama dahil niyaya ako . . tanging sina Balaw at Athan lang ang nandoon pero syempre si Jan ang kasama ng mga iyon alangan naman ako . . habang hinihintay yung pare' pinagmasdan ko yung loob ng simabahan. . . tama sina Punggay at Rocel ang laki na talaga ng pinagbago ng Saint John, unti-unti ng nawawala yung mga dating bangkong bato na lagi naming inuupuan nina Jan noon sabi ko nga kasama ng ng pagkawala ng mga iyon' ang ala-ala namin ni Jan dahil kung tutuusin kung may saksi man sa pagmamahalan namin ni Jan isa ang simbahan sa magpapakatotoo nun dahil doon ko unang nahalata na may nararamdaman si Jan sakin nung iniwan namin sila ni Dennis, nun ko rin sya sinagot at iyon ang naging lugar para maging masaya kami kahit sasandaling oras lang . . Nag-umpisa ang misa ng walang imikan, ilang beses akong tinanong nina Myra at Ate Len if im okei sabi ko "OO" but deep inside i'm dont thinks so lalo na alam kung nasa likod ko lang si Jan at hindi ko man tingnan I know bawat kilos ko nakikita nya but I need to ignore that dahil masasaktan lang ako. . . nang mag peace be with you hindi ko na tinangkang lumingon kahit kayna Athan dahil hindi ko talaga kayang tingnan si Jan . . . Sa reception naman ahhh grabe doon ko lang nakita yung mga kolokoys kong kuya kainis.... at katulad ng sabi ko hindi ako pweding uminum at may bantay pa ko dahil si tito Mando nandoon dahil kumpare nya rin yun' hindi man sinabing binabantayan ako pero nandoon si Tito nakikipag-unuman and for the same time i know para tingnan narin ako. . . . .ahhhhhh sa tagal namin ni Jan noon ngayon lang ako nakakain sa lugar na yun' muntikan na nga akong himatayin dahil mismong nanay pa ni Jan ang nagasikaso sakin, kumain daw ako nito at niyan kaya ayun' tampulan ako ng tukso dahil sabi ng mama ni Jan "KUMAIN KA NG MARAMI MANUGANG" ah kung pwedi lang akong lumubog sa kinatatayuan ko lulubog na nalang ako, bukod sa nahihiya na ko natatakot pa ko dahil baka makarating sa mga dragon yung asaran eh mapauwi ako ng di oras .. . . i dont know kung nadon si Jan that time dahil hindi ko sya nakita since dumating kami roon, sa taas kami nina Ate Len naglagi after ng kainan, at anak ng tokwa sinasabi ko na pamelo gin ang nakahanda, ang masama pa dahil nandoon sina lole eh ayaw pumayag na di ako iinum dahil yung mga kuya ko sa baba umiinum kasama yung tunay na mga lalake ( mga tito ko) sinabi ko na gustuhin ko man hindi pwedi dahil bawal, then Ate len asked kung anong nagyari samin ni Jan, I told them na no comment ako, saka past is past pero makulit ayaw akong tantanan, ng dumaan si Jan tinawag pa at pinashot sabay sabi ni lole bakit daw kinabahan ako, anak ng tokwa pinagmamasdan pala ko ni gago . . alam mo bang di ako tinantanan ng di umiinum kaya kahit one shot pinagbigyan ko na bukod sa alak ayaw ding tigilan kung anong na ang nangyari samin ni Jan kaya sinabi ko na kung ano man yung nangyari samin yung iba kay Jan nalang nila itanong then yung tinanong nila ko kung meron na kong iba, I said yes, nakipagbalikan ako sa dating bf ko bago si Jan, sinabi ko rin sa kanila na I'm happy for Jan and Laarni at happy ako sa bf ko ngayon kung meron man kaming nakaraan ni Jan that was past at hindi ko na babalikan dahil hindi ko na gustong balikan . . pero sa haba ng litanya ko at lahat sila nakikinig hindi ko alam kung narinig rin iyon ni Jan na biglang sumulpot sa kung saan ng tawagin ni Lole at sabihin na basta ako "jan and sodel forever diba Jan?" tapos nakita kong nag apiran yung dalawa sa hagdan pero i dont know kung matagal na si Jan doon or what . . but yet hindi ko man gustong matawa na tawa ako dahil parang fun si lole ng isang love team kung magsalita at sinigundahan pa ng mga kasama namin ayun nagkahiyawan tuloy ng tumaas si Jan at nagshot ulit . . . pero sabi ko nga kay Mark no talking with Jan kaya tumahimik ako ng makisama sya sa inuman and thanks God dahil tinawag ako ni Shiera at sinabing kanina pa daw my tumatawag sakin sa phone. . . ng tingnan ko yung oras 4pm na pala at alam kung si Mark yung tumatawag dahil yun ang usapan naming uuwi ako. . . kaya nagpaalam na ko pero sabi ni Ate len bumalik daw ako pero sabi ko hindi na ko makakabalik dahil magsisimba pa kami ni Mark, pero sabi ko lang yun' dahil alam kong di na ko papayagang magsimba dahil nakapasok na ko sa simbahan kanina he he he he . . bago ako nakababa nagkatinginan kami ni Jan pero wala akong binigay na expression dahil hindi naman kailangan . . . .
>>>>>> nang makauwi ako naghilamos muna ako, mamaya ko balak maligo dahil kahit ilang shot lang ang ininum ko Gin parin yun at minsan may chemical reaction sakin ang Gin nagpapantal ako sa likod pero dahil kahiyaan na yun hindi nalang ako nagsalita . . . . then I heard na nag ring yung phone at di nga ako nagkamali dahil ako ang tinawag ng tita ko . . . It was Mark , at kung ano man ang nangyari sa sa compound nina Jan kanina ikinuwento ko minus nga lang yung mga tuksuhan dahil alam ko its gives Mark a little guts kahit na simpleng tuksuhan lang yun . . . .
>>>>>> you know what hindi nakatiis si Mark na hindi siguraduhing wala na ko sa compound nina Jan after naming mag-usap dahil after naming magdasal for 6:00 hobbit nagulat ako ng sabihin ng pinsan ko na may naghahanap sakin sa labas, ng lumabas ako ng kwarto narinig kong pinapapasok ng mga tita ko at lolo ko kung sino man yung nasa pinto pero boses palang kilala ko na ng sabihing " hindi na po may sasabihin lang po kami kay Kathy?" at ng lumitaw ako sa pinto umalis narin ang mga lolo at tita ko at hindi ko maiwasang mangiti dahil si Mark at si Lyca ang nasa labas. . . nang tinanong ko kung anong ginagawa nila roon sabi ni Lyca, "ewan ko ba dito sa jowa mo binulabog ang pananhimik ko dahil baka daw hindi ka nya makaharap kapag parehong lalake ang naghanap sayo" siraulong Mark istorbuhin pa daw si Lyca, sabi ni Mark cool naman daw mga olds ko pinapapasok pa nga daw sila, sabi ko okei naman sila eh wag lang malalamang nanliligaw ka sakin dahil panigurado bad shot ka saka kailangan talagang may kasamang babae kung pupunta ka dahil kung pulos lalake kayo ah ni balahibo hindi kayo patutuluyin sa bahay . . . pinilit kong pumasok yung dalawa, kaya pinarada muna ni Mark yung motor pero doon lang sa tapat alam mo na. . . at sira ulo bumulong ba naman na sa wakas nakapasok din daw sya sa bahay, he asking kung bakit walang tao sabi ko sunday ngayon nandoon sa gilid sa harapan ng tindahan ng halo-halo ng tita ko nagchi-chismisan ang mga dragon at mga kapatid ko nasa labuyan . . si Lyca naman yung mga picture ang napagdiskitahan . . sabi ni Mark bakit daw ang layo-layo ko sa kanya sabi ko sira ba sya eh mamaya biglang dumating yung mga tita ko. . . tumabi lang ako ng konti pero sympre ingat parin kahit papano . . kunting kwento at chikahan alam mo bang isa-isang lumalabas pasok ang mga tita ko kunwari yung isa iinum, yung isa may kukunin at yung isa nanonood ng tv pero lahat pinakilala ko kyna Lyca at Mark at sira ulong Lyca sino daw doon yung sinasabi kong mabagsik he he he he. . . after a couple of hours umalis na din sila sira ulong Mark humirit pa ng kiss pero sa chiks ko lang pinagbigyan at si Lyca, kinilig naman h ehe he . . ahhhhhh ang saya talaga ng linggo ko . . .
to be continue . . .. .
No comments:
Post a Comment