Nag- umpisa ang kase ni mam Tolentino sa pagpapakilala isa- isa of course ito nanaman po kame (bawat yata subject na puntahan namin eh nagpapakilala kami but this time I injoy it) hmp kasi i waiting na magpakilala si cute guy.... hmp. Wala lang nacu-cutean lang me sakanya kasi singkit yung mata nia pero malaki (yung mata ha), matanggad, hindi ganung maputi pero kapag tumawa o ngumiti grabe may dimple sa right side (stik stik stik patay tayo dian) hey masama bang humanga crush lang naman. Ewan q kasi first time ko lang siguro syang makita kaya nakuha nya interes q (curious lang no) saka may hawig sya ng kunti kay Jan (sabi na nga ba) yun nga lang maskulado si Jhun ( oo ur right pangalan nya Jhun Morales he he he hmp). (Sayang wala aqng picture nia) Ewan ko ba sa lalakeng yun may magnet yata alam mo ba habang nagpapakilala yun sa unahan hindi ko maalis yung mata ko sa kanya buti nalang nasa bandang hulihan aq ng first raw katabi ko sina Jed kaya hindi aq halata kung nasa gitna aq nakaupo malamang natakot na sakin un ( he he he titigigan ko ba naman he he he baka akalain kakainin q sya ) well sabi nia transferee sya (kaya pala) galing sya sa probinsya (kala ko sa ibang planeta joke gwapo kasi eh he he) Sa likod lang pala sila ng school na katira sa may miranda (hmp malapit samin apat na kantong malalayo he he he he) tita raw yata nia yung nagpapaaral sa kanya ngayon kaya nandito sya sa school namin ( naku tita tanx po school namin napili nio). Alam mo after that subject hindi ko parin sya maalis sa isip ko kumag nayun ano kaya ginawa nun sakin ( pero hindi to' love at the first sight ah crush lang) ayaw ko kaya munang mainlove pagkatapos ng nangyari sakin kay jan do u think kaya na agad ng puso kong magmahal ulit grabe naman yun noh, hindi naman sa hindi ko pa nakakalimutan si Jan kaya lang ayuko munang mainlove ulit kasi I know kapag nainlove aq pwedi na ulit aqng magsaktan. I just want to prepared first para kapag nangyari ulit un umiyak man aq ulit at masakyan i know how to handle it. (wew ang lalim). Kaya saka na yang si MR. Cute aral muna...
Ang bilis ng panahon noh kaylan lang summer vacation pa kung saan nasugatan yung puso q tapos natabunan ng pagpasok ng pasukan, ngayon birthday ko na pala ( tangina isang bwan lang pagitan nun ah) I know pero ang bilis parin diba. Parang kahapon lang kasama ko pa si daddy na i-celebrate ton araw na to' (JULY 7) pero ngayon nagiisa na q. Meron pala xempre may pasok kaya kasama ko buong tropa (xenxa na wala qng perang pangteat limang piso nga lang baon ko eh) saka si kuya Julius (ka-bday q kasi sya) kaya batian kaming dalawa. Sa bahay may kunting lungkot, dati tong araw na to' special, last year last bday ni daddy siguro happy narin nun si daddy kasi nandito na si mommy that time, nagluto pa nga si mommy ng spaghetti nun kahit na hindi kami namasyal katulad ng dati okei na rin sakin dahil kompleto naman kami. Pero ngayon bukod sa wala na si daddy, kahit manlang pansit wala kami, hindi pa kasi naibebenta ni mommy yung patahe nia baka daw mamayang gabi na. Ayos lang naman sakin walang handa siguro naawa lang aq samin, sa mga nakikita q kasi noon I never see myself, I never see my family na nasa ganitong ka miserableng buhay, malayung malayo to' sa buhay na meron kami nung nandun pa kami sa lumang bahay, tagpi-tagpi naming bahay. Kulang na ngalang isipin ko na may sumpa yung bahay namin, biruin mo mula ng lumipat kami dun, mula ng maging bato yung bahay namin ang dami ng kamalasang nangyari sa pamilya namin. Una nawalan ng trabaho si mommy, kahit na hindi nila ipaalam samin I know ng dahil sa bahay na yun nakulong si mommy, pinipilit itago samin ng mommy at daddy pero hindi nila alam naririnig ko sa mga lola at tita ko na pinaguusapan yun. Sabi nila nasa hospital si mommy pero alam ko nasa kulungan sya, kahit gusto kung magtanung nun hindi ko magawa. Nangumuwi naman si mommy ilang linggo lang umalis na rin sya papuntang saudi kung di nga lang sa mga litrato at sulat hindi aq maniniwalang nasa ibang bansa sya, kasabay ng pagkawala ni mommy parang nawalan narin ng oras si daddy samin, minsan kasi mas madalas sya sa labas kesa sa loob siguro para hindi maisip si mommy pero kahit na ganun si dad he take care every thing, he take good care for us, sinisugurado niang nasa mabuti ang lahat, mula pagkain, pagtulog at damit, gamit sa skul lahat- lahat. I miss my dad u know lalo na yung panonood namin ng sine kahit biglaan lang basta may pangbatang palabas he treat us kahit na sa lumang sinehan lang yun ok lang importante may bonding tym kaming mag-aama. Hanggang bumalik nga si mommy pero araw -araw naman silang nagaaway ni daddy dahil sakin. ( sorry dad I’m so sorry) I admit naman na kasalan ko lahat. Nakinig kasi ako kayna lola na sulatan si mommy at sabihin na may babae si daddy kahit na ang alam ko kaibigan lang yun pero madalas kasing kasama ni daddy, dinadalan ng pagkain kaya kala ko babae nia. Nung sumulat aq kay mommy umuwi agad si mommy kahit na gusto pa niang magre-contract sa amo nia. At yun ang lagi nilang pinagaawayan ni mommy since ng makabalik si mommy. Isang araw nga nun muntik pa qng masampal ng daddy ko, nagkataon kasing nandun aq nang nagaaway sila dahil sa hindi ko alam na bagay tapos naisumbat ni mommy yung tungkol dun sa babae kaya nagalit si daddy sabi pa nga nya nun naniniwala daw si mommy sa sinungaling katulad ko tapos inambaan nia ko ng sampal pero hindi naman natuloy (mahal pa rin ako ng daddy ko noh) pero takot na takot aq that time umiyak nalang aq. nakatulog aq sa kakaiyak tapos kinabukasan hindi aq makatayo dahil ang sakit ng ulo ko nilalagnat na pala ko pero isa man sa daddy ko at sa mommy q walang nakakalalang di pa ko nagiging, naririnig ko sila kasama yung dalawa kong kapatid na nanonood ng tv gusto kung tawagin si daddy pero natatakot aq kaya tiniis ko nalang yung ginaw at sakit ng ulo haggang makatulog ulit aq gabi na q inakyat ng mommy ko at nalamang may lagnat aq. Awang awa aq nun sa sarili ko pero hindi ko pinakita kayna mommy at daddy na umiiyak aq. Kaya simula nun ayaw na ayaw kong makakagawa ng pagkakamali para magalit si daddy. Haggang isang araw napansin q na parang tahimik si daddy tapos ang lambing lambing nia saming lahat. Lagi syang maaga sa bahay tapos dati ayaw na ayaw niang makikinig ng radyo kapag el shadai yung pinapakinggan ni mommy kung di sya lumalabas pinapatay nia yung radyo pero nung time na yun nandun sya sa bahay hindi sya umaalis nakikinig sya nagbigay pa nga sya ng reaction tungkol dun sa isang nagpapatotoo sa radyo. Hindi ko narin sila naririnig nagaaway ni mommy. Tapos isang gabi naglalandian kami nina kuya at bunso napalakas yung tambling ko sa kama ayun lusot yung paa ko sa kabinet basag yung salamin, tagpas ang paa ko. takot na takot nga kaming tatlo nun kasi panigurado sinturon na naman kami pero that night hindi nilapitan lang aq ng daddy q at tiningnan yung sugat q, ipinagamot kay mommy at niligpit yung mga bubog, pinagsabihan lang kami na wag ng magtatambling. ewan q pero ibang iba yun sa daddy na kinalakhan q, parang lalo aqng nakunsyensya nun. Hindi q alam kung napansin yun ng mga kapatid q pero aq hinding hindi ko makakalimutan yung araw nayun, hindi na siguro mabubura sa isip ko at pagkatao habang dala dala ko yung peklat ng sugat ko ng gabing yun. Isa yun sa mga alala na mahal na mahal aq ng daddy ko. Hanggang ngayon tuwing magsusuot aq ng medyas at makikita ko yung pilat sa pagitan ng daliri ng paa q naalala ko si daddy dahil isa yun sa mga huling araw nia sa buhay namin. Dahil after a couple of days nangyari na yung pinakamasakit, pinakamasamang araw sa buhay namin. Birthday palang ni bunso ( OCTOBER 18, 1995) masama na pakiramdam ni Daddy kaya nagpahinga na sya. Daling araw umalis sila ni mommy para magpausok sa angono hospital. Paggising namin andun na ulit sila ni mommy kaya hindi na kami naihatid ni daddy kasi natutulog pa sya. May kinuha aq sa taas na gamit q bago ko umalis actually binalikan ko lang yung ballpen na yun at note book nakita ko sa taas si daddy nakahiga nakapit natutulog. Ewan q pero may ibang kaba kong naramdaman nangtingnan ko si daddy kaya pinagmasdan ko sya nang makita kong gumagalaw naman yung tiyan nya at humihinga nakampante na q pero yung mapatingin aq sa mukha nia nakita ko na parang hirap na hirap sya hindi q alam pero feel ko yun parang ayaw ko ngang umalis ng araw na yun (October 19, 1995) pero tinawag aq ng mommy ko mala-late na daw aq at naghihintay yung tricycle na maghahatid samin sa school kaya napilitan aqng alisin ang tingin q kay daddy pero kung alam ko lang na yun na yung huling pagkakataon na makikita ko daddy ko na humihinga kahit na bumagsak aq sa test namin ng araw na yun okei lang hindi ko lang titingnan daddy q yayakapin ko pa at magso-sorry aq sa kanya sa lahat ng sakit ng ulo, sa lahat lahat ng hirap na dinanas nia ng dahil sakin at sa pagtra-traidor ko sa kanya dahil nakinig aq sa mga sulsol ng mga lola ko pero wala na huli na ng dumating kami. Nagtataka aq kung bakit hinhanap ako ni kuya Joel nun nasa sining class aq nun nakita ko galing si kuya Joel at si tonny (kapatid ni abet) sa room ko kay mam de Leon kasama yung dalawa qng kapatid basta sabi ni kuya Joel kailangan daw naming umuwi kaya kahit naiwan ko yung mga material ko sa sining sumama q pagdating ko sa bahay nagiiyakan na silang lahat si mommy iyak ng iyak yakap si daddy, yung mga tito ko at tita inaayos yung bahay namin. nung una ayaw kong lumapit kay mommy at sa mga kapatid kung nagiiyakan pero ng tinawag aq ni mommy at sabihing magdasal kami para mabuhay ang daddy ko dun aq natauhan. Ewan ko hindi ko na alam kung paano kami tumahan ng araw na yun hanggang kunin si daddy at imbalsamuhin, haggang maiayos sa ataul hindi ko alam kung paano ko naging manhid, ayaw kung makita aq ni mommy na umiiyak kaya hindi aq umiyak. sabi ko panaginip lang yun bakit aq iiyak mamaya gigising na aq makikita ko ulit si daddy na pinapagalitan aq o kaya tinatawag kami dahil nalakusot na naman kami sa kanya ayaw na ayaw nia kasing nakikita kami sa labas ng bahay. Alam ko panaginip lang yun hindi yun totoo, alam q hindi aq iiwan ng daddy ko ng ganun ganun lang. Ang bata bata pa namin para iwan nia noh. alam q hindi ganun si daddy kahit na maghirap kami basta sa kanya sama sama kami. hindi nya kami iiwan agad hindi pa ngayon. Pero dumaan ang mga oras, hang isang araw, isang gabi lalong dumarami ang mga taong nagpupunta sa bahay, sa tuwing may dumarating nakikita ko at naririnig kong umiiyak si mommy mas lalo kung nakikitang totoo ang lahat na hindi na pala isang panaginip yun hindi na isang bangungot kundi isang katotohanang dapat naming tanggapin pare-pareho. Mula ng araw na yun hindi lang si Daddy ang nawala samin pati si mommy dahil sinubsob nya ang sarili nya sa pagtratraho para saming tatlo. Alam kong higit syang nahirap sa pagkawala ni daddy dahil hindi sya sanay ng wala si daddy, hindi niya alam kung saan sya maguumpisa dahil wala ni singko na naiwan si daddy. Dumaan ang mga araw na unti unti naming naramdaman ang hirap ang unti unti pagkawala ng lahat ng meron kami. At isa na ang araw na to, kaarawn namin ni daddy pero bukod sa wala kahit na ano sa mesa pati si daddy wala rin. Kailangan pa naming maghintay kung may maibebenta si mommy sa mga tahe’ nya saka lang namin malalaman kung maykakainin kami. Yung bigas hindi namin problema dahil may bininigay yung mga kapatid ni mommy samin. Minsan dumadaan si tito Ben para bigyan kami ng perang pang ulam o kaya pupunta kami dun para mang hiram (hiram na hingi dahil wala naman kami ibabayad) Mula ng mamatay si daddy wala nakaming matinong ulam ok na samin yung leeg sa palengke bente isang kilo. pero kapag minamalas si mommy na walang benta tiis sa kamatis na may asin o kaya noodles o pansit kanton at sardinas. Pero kapag maganganda naman tig-dadalawang donut na malaki. Ang lupit noh dati pasalubong lang samin nina mommy at daddy yung donut na yun nung nandun pa kami sa bahay naming tagpi-tagpi pero ngayon hapunan na samin. Kaya nga simula ng magsimula ang klase hindi nalang aq umuuwi ng tanghalian auko na kasing makitang naghihingi nanaman kami ng ulam sa mga lola ko tapos isusumbat sa mommy q. Sabi ko kay mommy kung may ulam padalhan aq pero kung wala uuwi aq. Pero dahilan ko lang yun hindi rin aq umuuwi kahit na walang dalang ulam si kuya o si bunso nagtitiis nalang aq ng gutom pero kadalasan may pinapadala si mommy kahit itlog o hotdog lang ang ulam. Sa tuwing nakikita q pamilyang kong naghihirap maslalo aqng nagi-guilty. sana hindi ko nalang pinauwi si mommy baka buhay pa si daddy ngayon baka may matino at masaya pa kaming pamilya. Sana kasama ko pa si daddy ngayon... Sana sana sana....
(tama na drama ubos na luha ko he he he)
Pagpasok q sa school si May at Love ang unang bumati sakin ng HAPPY BIRTHDAY may binigay silang card sakin ( tong dalawang to talaga) tapos sa loob ng classroom syempre ang mga wala kong kwenta tropa he he joke lang kinantahan pa nga aq ng buong klase sabay hirit ni Roger kung ako ba daw yung handa, sira ulo naman tong si Bogs bastos iba ang pinakahulugan sa sinabi ni Roger kaya nagtawanan tuloy sila namula tuloy si Roger (kaawa awang bata nabiktima ng walang hiyang si BOgs) kaya kahit na malungkot ng kunti masaya parin kasi alam ko makakayanan naming lahat to'. May practise ang DNR kaya dun na q binati nina Billy, Wendy ( WENDY FRANCISCO), Migz (ANDREW TAGLE) at si Toffe dumaan rin. Si Billy kasi at saka si Tofee nalipat sa section 5 at 6 doon daw kasi talaga yung section nila. Nakasalubong q rin si Kuya Julius kaya nagbatian kami, kahit na ito ang unang bday ko na wala si daddy kailangan ko ang maging masaya para maging masaya narin si daddy. I miss him but I know I need to be strong I don’t want to failed my dad alam ko he always guide us kahit anong mangyari kahit nasan sya nanjan lang yun hindi kami iiwan kahit kelan... ( I love you dad sana mabasa mo to' sana malaman mo kung gano ko nagsisisi sa lahat ng ginwa q sayo. I miss you dad I will always I do).
To be continue.......
No comments:
Post a Comment