♠+♥ . . . . . My friend comforts me when I am down, supports me when I'm struggle, and celebrates with my succeed. But a BEST part of my friendships they feels pain when I was hurt and holds me and we cry together, walks with me every step as I struggle, and rejoices with me at every success . . . at dahil sa kanila halos hindi ko na naalala ang masasakit na pangyayari sa buhay ko . . . minsan sumasagi parin sa isip ko si Mark, ang lahat ng mga nangyari pero hindi ko kinakalimutan na dumaan sa Villages para sa Cyber's, yun nga lang maaga akong umuuwi lalo nat alam kong parating na si Mark, wala mang nagtanong at nagtangkang buksan ang topic tungkol samin ni Mark I know naghihintay lang ng time para pag-usapan at maayos yung mga bagay na dapat naming ayusin ni Mark pero nagpapasalamat ako dahil kahit papano nauunawaan ng mga kaibigan namin ni Mark na mas gusto naming ayusin ang lahat kapag alam na naming kaya na naming mag-usap ng walang galit sa isat-isa . . .
♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥ ♣ ♠ ♥
>>>>>> Ang saya kanina sa school, syempre kwentuhan tungkol sa nangyari na birthday ni Jon, inggit na inggit nga si Jon ng malaman na nagtulog kami sa bahay . . . sabi ko naman kasi sa kanya magrerebelde lang sya di pa sinagad he he he maging bad influence ba? hindi ah binigyan ko lang ng konting lesson si Jon, naawa na kasi ako sa kanya lagi na lang syang napapagalitan sa bahay nila tapos magrerebelde rin lang eh yung paulit-ulit pa, I mean sana kapag nagrebelde sya yung may matutunan hindi lang sya kundi pati yung mga magulang nya like what happen to me at least nagsise' man ako pareho kaming may natutunan ng mga folks ko diba!!! . . .
>>>>>> Nerry asked me kung totoong samin natulog si Rolly after ng swimming, sabi ko OO, pero ng tanungin nya ko kung sino katabi ni Rolly, sabi ko sina Erol at Ralwena, pero bakit sabi daw ni Pio kami ni Rolly magkatabi, hindi naman galit si Nery ng sinabi nya yun para pa ngang nagbibiro pero I'm not stupid para hinid malaman na may gustong pakahulugan si Nerry sa mga sinabi nya, at ako pa ang hinamon nya sa asaran edi sinupla ko sya ng di rin ako nagpapahalata . . sabi ko "OO ako nga kaso malikot matulog yung si Rolly kaya lumipat ako sa pwesto" saka ko sya tinalikuran at kung ano man gustong palabasin ni Nerry, I dont care as long as I know wala akong ginagawang masama at sa totoo naman magkatabi kami ni Rolly noong una pero dahil malaking babae sa relwena mahuhulog ang isa samin kung apat kami sa kama sa taas kaya sa tabi ako ni Art natulog . . . hmp paki alam ko ba sa kanila . . .
♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣ ♥ ♠ ♣
>>>>>> i start to move on. . . kahit papano wala na kong nararamdamang sakit when Mark sink in to my head pero syempre na mimiss ko parin sya . . . pero you know what mukhang may gusto na naman gawin sakin si Kupido, kahapon ba naman tatlong teachers namin ang absent . . una si Mam Gracia teacher namin sa social kaya ayun kwentuhan to the max eh absent si Vinson kaya lumipat muna ako doon sa upuan nya dahil nakikipagbiruan ako kyna ramil sa payabangan . . doon daw kami sa kitchen nila sa france mag didiner tapos si Rogelio naman kung gusto daw namin sa L.A mag laro ng play station kakatuwa nga bawat parte ng bahay ibat-ibang bansa he he he, then pagdating ng English tumahimik muna kasi may lesson si mam Flores-Capistrano then wala na naman kaming teacher sa Science dahil may gagawin daw si Mam Santos pero my seat work at habang ginagawa yung seat naisipan kong itanong kayna SJ at Raynante kung bakit absent yung kaututang dila nila sabi ba naman ni Rogelio na mimiss ko daw si Vinson, sabi ko naman hindi ah, alagi nga akong inaasar nun eh, tapos sabi ni SJ kasi daw may crush si Vinson sakin (hmp kilig naman ako) pero sabi ko kay SJ hmp maniwala sa sanyo tapos ipagpilitan ba daw na may gusto sakin si Vinson kaya nasabi ko nalang tuloy na " sige na sabihin nyo crush ko rin sya" pero biro lang yun, then dumating si Sir Diaz dahil wala kaming teacher sa T.H.E kaya nagpagawa ng seat work si Sir at sinabing ilista ko daw yung mga lalabas . . . pero alam mo ba na lahat ng nangyari kahapon nalaman ni Vinson kaya pinaggagalit ako ng mga hinayupak na sina Rogelio, Step at Raynante kanina dahil sinabi ni Vinson na kung totoo ba daw yung sinabi ko kyna Nante, sabi ko anong sinabi ko, sabi naman ni Rogelio basta daw umu oo nalang ako, ako namang gaga mu"oo" kahit hindi ko alam kung anong sinasabi nila . . and then ahhh mga sura ulo lagi na kaming inaasar ni Vinson, at sa hindi ko maintindihan kung bakit imbes na maasar ako sa panunukso nila tila yata nagpapadala nanaman ang puso ko . . . . ahh kung ano man to' sana naman po hindi na malaking biro ni Kupido . .
to be continue . . .
No comments:
Post a Comment